Saturday, January 25, 2014

KUMUSTA NA KAYA



KUMUSTA KANA KAYA


     Ang tagal ko nang walang balita sa'yo, buhay kapa kaya? Kilala mo pa ba ako? Na aalala mo din ba ako, bilang naging parte nang buhay mo? Na aalala mo pa  kaya ang mga masasayang araw? E yung pinaka malungkot sa buhay ko nang dahil sa'yo na alam mo na ikaw ang dahilan?

     Ako, buhay pa... kilala pa kita sa pangalangan, pero pag ka tao mo, di ko na alam... Na iisip at na aalala pa kita bilang naging parte ng buhay ko... Na aalala ko din ang masasayang araw na naging tayo, lalo na pag napapadaan at napu-puntahan ko ang lugar na na-pasyalan  natin... Pati yung pinaka malungkot sa buhay ko ng dahil sa pag mamahal ko sayo ay na aalala ko din, lalo na pag malungkot ako ng dahil sa pag mamahal.hehe...

     Wala na akong paki-alam sa'yo kung ano man ang ginagawa mo sa buhay mo, na-iisip lang kita kasi naging parte ka ng buhay ko. Madami din kasing di maga-gandang alaala nung nanging parte ka ng buhay ko, at madami din namang masaya....

     Kumusta kana kaya?... Sana lagi kang masaya, madami akong natutunan sa'yo CCS.